Abante Tonite Interactive

Coco nasilipan ng baby photo sa cellphone

3,004

Happy Easter!
Ngayong Easter Sunday ang show ni Coco Martin sa Japan kasama ang ilang co-stars niya sa “Ang Probinsyano.”
Katuwa si Coco dahil sinama niya ang Lola Matilde niya sa Japan para raw makabawi siya rito at makapagbakasyon din ito.

Kahapon ay nag-Asakusa Temple tour ang maglola at kasama pa nila ang leading lady niyang si Yassi Pressman, na sinama naman ang sister nitong si Issa Pressman.

Napaka-sweet na apo ni Coco dahil siya pa talaga ang nagpipiktyur sa lola niya. As in lumuluhod pa ang “Ang Probinsyano” star sa semento para lang makunan ng magandang shot ang pinakamamahal niyang lola.
Ilang araw bago umalis ng ‘Pinas ay may nakakita kay Coco habang nagrerelaks ito at magpapa-treatment.
Tsika ng isang nag-asikaso kay Coco, habang naghihintay ay panay daw ang tingin ng aktor sa celfone nito at ang bina-browse ay mga picture ng baby.
Kalerky, pati sa personal time ni Coco ay nasilipan pa siya ng tsismis. Pero mukha namang walang bahid pang-iintriga ang tsika ng attendant, medyo napaisip lang daw ito kung sino ‘yung baby sa pictures na tini­tingnan ni Coco.
‘Yun na nga kaya ang sinasabing anak ni Coco at ni Julia Montes, na diumano ay nanganak nang palihim sa isang ospital sa San Juan?
Hanggang ngayon ay isang malaking hiwaga ang showbiz news na ito dahil wala pang umaamin mula sa magkabilang kampo.
Actually, nag-DM kami kay Coco kamakailan tungkol sa isyu na ito, pero hanggang ngayon ay wala siyang sagot sa direct message na pinadala namin sa kanya.
PAK!!
***

Maine, Arjo nagbakasyon sa Bali

Kasama sa grupo ni Coco Martin sa Japan si John Prats na nasa “Ang Probinsyano” rin at naging ka-close na ng aktor.
Ka-join ni John ang misis nito na si Isabel Oli at ang kanilang anak.
Nag-Japan din ang mag-sweetheart na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Binisita ulit nila ang sister ni Jessy sa Okinawa.
Nasa Japan din si Vice Ganda and friends. Nagkita pa roon sina Vice at Maricel Soriano na nagbabakasyon din sa Tokyo.
Nandu’n din si Karylle with husband Yael Yuzon. Ang madir ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla ay rampa galore din sa Japan with partner Conrad Onglao.
Si Sunshine Dizon ay sa Osaka nag-Lenten vacay kasama ang mga anak nito.
Nag-Osaka rin ang “Kara Mia” stars na sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Nag-Harry Potter theme park ang JakBie, na ang tsika ni Barbie ay nag-commute lang sila at hindi raw sila naligaw.
Ang “Kara Mia” co-star ng JakBie na si Carmina Villarroel ay nag-South Korea with hubby Zoren Legaspi and twins Mavy and Cassy.
In fairness ay may showbiz friends ang Legaspi twins. Nag-meet up sila sa Seoul ng Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri, na mukhang magsyota na. Kasama rin nila si Frankie Pangilinan.
Galing din ng Seoul ang mag-sweetheart na Megan Young at Mikael Daez, pero nasa Brussels na sila at papun­ta na sa adventure trip nila sa Iceland.
Nag-Korea rin si Ejay Falcon at ang nobya nitong si Jana Roxas.
Nag-Taiwan ang magdyowang Kim Chiu at Xian Lim, pero nakabalik na sila bago nag-30th birthday si Kim nu’ng April 19.
Nag-food trip at nagpalipad ng sky lantern ang KimXi sa Shifen, na ginawa rin nina Maine Mendoza at Arjo Atayde nang mag-Taiwan ang dalawa.
Sa Bali nagbakasyon ang ArMaine. Hindi mailihim nina Maine at Arjo ang mga biyahe nila dahil sa airport pa lang paalis ay spotted na sila at may mga nagpapapiktyur na sa kanila.
May mga lumabas din na pics ng dalawa sa Bali, na kuha ng fans na nakakita sa kanila roon.