Abante Tonite Interactive

Coco, Nora, Juday inisnab sa ‘First 4’ ng MMFF

635

26 finished mula sa 24 film productions ang nagsumite tapos, we have come to these four final finished script selections.

Sa apat na pelikulang kalahok, masyado namang halata na “commercial viability” ang mas pinaboran at kung ano pa man ang ibang ginamit as criteria for the selection, alam naman nating wala naman yatang masyadong bearing ang “artistic excellence,” “cultural kiyeme,” at kung ano-ano pang best English words na ginamit na pamantayan para sa pagpili.

Sa 26, ito pa talaga ang the “best” finished scripts?

Sino po kaya ang magpapaliwanag na ang isang Pinoy adaptation ng Korean movie na “Miracle in Cell No. 7,” kung saan ang mga bida ay sina Aga Muhlach at Nadine Lustre, ay worthier script kesa sa mga orihinal na kuwentong Pilipino?

Kita naman nating lahat ang latest photo post ni Kris Aquino, frail looking ito, kakayanin niya kayang gawin ang horror movie na “(K)ampon” kung saan sila ni Derek Ramsay ang bida? With her current condition, hindi ba inisip ng mga taga-selection committee na maaaring it is next to impossible na magawa niya ito?

Ang “Momalland” na bida sina Vice Ganda, Anne Curtis, at Tony Labrusca na walang dudang magre-reynang uri sa takilya, talagang bang mas superior ang fi-nished screenplay nito kung ikukumpara sa “Magikland” ni Peque Gallaga?

Ang family comedy na “Mission Unstabol: The Don Identity” kung saan si Bos-sing Vic Sotto at Maine Mendoza ang mga pangunahing bida, sa titulo pa lang, it is screaming with so much originality, ito ba talaga ang gusto niyong sabihin na one of the better finished film scripts?

Ano na ang mangyayari sa pelikula nina Coco Martin, Jennylyn Mercado, at Ai Ai delas Alas? Siguradong papasok ito sa finished film dahil nga mas importanteng criterion ang “commercial viability” more than anything else.
Kaya sa tatlong slots na matitira, makaka-asa ba tayo na maaaring mapunta ito sa “Mindanaw” nina Judy Ann Santos at Allen Dizon?

Drama rin ang “Isa Pang Bahaghari” nina Nora Aunor at Iza Calzado, Meryl Soriano at Jasmine Curtis Smith led na “Culion.” Kung may rule na one film per genre, sino sa tatlong ito ang papasok sa MMFF 2019 banga?

Sa Setyembre, malalaman natin kung anong mga f­inished films ang hihirangin. Sa true lang, mas strange pa sa “Stranger Things” ang finished script choices, huh!

Alden, Kathryn magpapaluha?

Ano nga ba talaga ang bago sa “Hello, Love, Goodbye”? Iyan ang pinakamalaking tanong na makukuha lang natin ang sagot kapag pinanood na natin ang pelikulang pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Joy at Ethan ang mga pangalan nina Bernardo at Richards. Ang mga katauhan ba nila, yayakapin rin natin gaya nina Jenny at Lino, na binigyang-buhay nina Claudine Barretto at Piolo Pascual sa “Milan”?

Ano ba talaga ang nilalabanan nila, si Joy ba ni Kathryn ay parang si Josie, ang katauhan ni Vilma Santos sa “Anak?” Sagad ang hirap at grabe ang sakripisyong tiniis para lang buhayin ang iniwang pamilya sa Pilipinas? Si Ethan ba ni Alden, ay parang si Jerry ni Aga Muhlach sa “Sana’y Maulit Muli,” na iniwan ang booming a­dvertising career sa Pilipinas, sinundan si Agnes ni Lea Salonga na sobrang laki na ang pinagbago kaya hirap na hirap siyang tanggapin at lunukin na iba na ang set up nila?

Ang isa pang abang na abang ang lahat, kamusta naman kaya ang pag-arte nina Kathryn at Alden? Kita naman sa patikim sa trailer na ibang-iba sila rito, gaano nga kaya kaiba? Anong klaseng emotional commitment kaya ang binigay nila para talaga we will succumb to this romantic drama ride? Will they play their characters so truthfully?

Ano kayang mga eksena ‘yung walang linyahan pero speaking in volumes tapos mararamdaman na lang natin, tumutulo ang mga luha natin? Ano kayang pangyayari sa buhay nina Joy at Ethan sa pelikula na mananalig tayo na para silang mga kaibigan natin na nagpapakahirap sa ibang bansa kaya we cheer for them when they are down and are kilig and happy ‘pag masaya sila and mukhang rosy ang lahat?

Ang mga supporting actors na tulad nina Joross Gamboa, Jameson Blake, Kakai Bautista, Lovely Abella, MayMay Entrata at si Jeffrey Tam, ang kanilang mga katauhan, paano kaya nila paiigtingin ang pagsasamahan nina Joy at Ethan?

Ang mga tanong kong ito, tiyak na masasagot na sa Hulyo 31, kapag ipinalabas na ang “Hello, Love, Goodbye” sa mga sinehan.