Abante Tonite Interactive

Coco papalitan ni Angel

By
0 6,672

THE General’s Daughter ang balitang pamagat ng bagong Kapamilya teleserye ni Angel Locsin na mula sa Dreamscape.

Positibo ang reaksyon ng fans dahil bagay daw kay Angel ang drama na may halong action.

May tsikang ito ang papalit sa Ang Probinsyano ni Coco Martin at may plot theory ang netizens na sa ending daw ng serye ni Coco ay magiging general ito at si Angel ang magiging anak nito.
So, may konek daw sa Ang Probinsyano sa The Ge­neral’s Daughter at tila sequel ang peg nito.

May nagtsika sa amin na may gagawing teleserye si Maricel Soriano sa Dreams­cape at makakasama raw nito sina Angel at Cesar Montano.

Ito kayang The General’s Daughter ‘yon? Si Marya kaya ang gaganap na ina ni Angel?

Ang tsika pa ay si Biboy Arboleda (ng Dreamscape) na ang bagong manager ng Diamond Star.

Vina naiyak sa video ni Marjorie

ERICH pala ang name ng bunsong anak ni Marjorie Barretto na nag-6th birthday kamakailan.

Pinost ni Marjorie sa IG ang Vampirina birthday party ng bagets na Chuchay pala ang nickname.

Ang daming nag-comment na ang pretty ni Erich, na hindi namin sure kung ang name ay galing kay ­Erich Gonzales.

Close kasi ang Kapamilya actress sa family ni Marjorie at nu’ng last vacation nila ay magkakasama pa sila sa Niseko, Japan. Ang rumored boyfriend ni Erich ay brother ng yayamaning non-showbiz boyfie ni Claudia Barretto.

May pinost na video si Marj na montage ng pics ng youngest daughter niyang si Erich, na ang background music ay You’ll Be in My Heart na theme song ng Tarzan.

“I love you most”, ang caption dito ni Marj.

Ang daming na-touch sa nasabing video, isa na si Vina Morales, na nag-comment na naiyak siya.

May nabasa ka­­ming isang nag-comment na, “Kamukha niya daddy niya, lalo na ‘yung mata,” tapos ay may nagtanong dito ng, “Sino po ba daddy niya, ‘yun bang politician?”

Matagal nang napa­balita noon na isang politiko ang ama ng bunsong anak ni Marjorie at minsan na niya itong itinanggi sa isang interview.

Early this year lang nakilala ng publiko ang nasabing bagets nang ilabas ito nina Marjorie sa social media.