Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco pinagbati sina Lorna, Osang

0 112

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang natutuwa dahil finally ay nagkabati na rin ang dating mortal na magkaaway na sina Lorna Tolentino at Rosanna Roces.

May mga tsikang si Coco Martin daw ang naging tulay sa pagbabati ng dalawa.

Bakit kanyo? Si Coco kasi ang creative consultant at director ng pinag-uusapang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na nasa ikaanim na taon na ngayon.

Sey ng kibitzers, aware naman siguro siya na may matagal nang hidwaan ang dalawang magaling na aktres.

At hindi matutuloy ang inclusion ni Osang sa bagong cast ng nasabing aksyon serye kung alam niya na magiging uncomfortable ang grand slam actress na si Lorna Tolentino na makasama ang dating sexy actress.

Sa vlog din ni Mama Ogie Diaz, ibinalita ng talent manager at vlogger na natapos na ang away ng dalawang aktres.

Pagtatapat niya, naging emosyonal nga raw si Osang dahil feeling niya ay nabunutan siya ng tinik na matagal na niyang kinikimkim sa kanyang dibdib.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Personal daw na lumapit si Osang at face to face na humingi ito ng ‘sorry’ kay Lorna.

Sa pagdedetalye, niyakap daw niya si LT at tinanong kung may personal pang galit sa kanya.

Malumanay raw namang sumagot si LT na wala na dahil matagal na raw ang nangyaring sigalot sa kanila.

Sey pa raw ni LT, hindi na rin daw makabubuting magtanim sila ng sama ng loob sa isa’t-isa lalo pa’t namayapa na si Daboy.

Agree naman si Osang na hindi rin siya magiging kumportableng kaeksena si LT kung meron pa silang mga personal na karga mula sa nakaraan.

Sa nangyaring pagbabati nila, sobrang happy raw si Coco na malapit sa dalawang aktres.

Ngayong all is well na sa dalawang miyembro ng cast ng serye ni Cardo Dalisay, may mga abangers namang nagtatanong kung kelan daw naman kaya magkakabati sina Osang at ang dati nitong manager na si Manay Lolit Solis?

Leave A Reply

Your email address will not be published.