Abante Tonite Interactive

Coco pinangunahan ni Mystica

By
3,150

Wala pang balita kung pagbibigyan ni Coco Martin ang request ni Mystica na i-guest daw sana siya sa FPJ’S Ang Probinsiyano.

Matatandaang nakapanayam ng ABS-CBN si Mystica few days ago at na-reveal nga na nagtitinda na lang pala siya ng fried chicken na malayong-malayo na sa dati niyang ma­rangyang buhay nang kasikatan niya.

Napaiyak pa ang dating singer nang ikuwento niyang hindi sapat ang kanyang kinikita sa pagtitinda ng fried chicken at noong isang araw nga raw ay muntik na silang maputulan ng kuryente.

Abante Hiring – IT dep

Kaya naman nanawagan siya kay Coco na sana raw ay bigyan siya ng panibagong break sa showbiz.

Hindi pa alam kung sasagutin ng Kapamil­ya Primetime King ang panawagan ni Mystica pero usap-usapan nga sa showbiz, knowing kung gaano kamatulungin ang aktor, hindi malayong pagbigyan niya ang request ng kasamahan sa industriya na nangangailangan.

Pero may nagsabi rin naman na sana raw ay hindi na lang idinaan sa TV ni Mystica ang request niya kay Coco at nagpasabi na lang daw sana ito in private.

“Si Coco naman, talagang tumutulong ‘yan, pero ang ginawa kasi ni Mystica, pinangunahan niya si Coco. Sana kinausap na lang niya in private at for sure naman eh pagbibigyan siya,” sey ng isang kasamahan sa hanapbuhay.

Latest na binigyan ng second chance ni Coco ay ang dating child actor na si CJ Ramos na matatandaang nakulong kamakailan dahil sa paggamit ng iligal na droga.

Ang bilis ng naging aksyon ni Coco dahil pagkalayang-pagkalaya ni CJ ay kinontak na agad ito ng FPJAP team at sumalang na agad sa camera.