Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco proud ‘esmi’ si Julia

0 113

Masayang ibinahagi ni Dimples Romana sa kanyang IG stories ang video ni Julia Montes habang naghuhugas ng pinggan.

Maririnig sa video na tinatanong niya si Julia tungkol sa kanyang ginagawa.

“Bakit ka naghuhugas ng plato nang may plato?,”usisa ni Dimples.

“Suma-sideline po ako, pwede na ba akong pumasok?”sagot ni Julia.

“Tingnan ko nga, ay ganda, okay para paggising ko maganda ‘yung kasama ko,” hirit ni Dimples.

Umani naman ng papuri sa mga netizen ang ginagawa ni Julia.

Tantiya nila, sanay na sanay raw ito sa gawaing bahay.

Ito raw iyong tipong pangtahanan talaga at tunay na maipagmamalaki ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin.

Nakikita rin daw nila kung paano magiging maasikaso si Julia kung misis na ito ni Coco.

Malaki na rin daw ang maturity nito lalo pa’t puro mga misis na ang mga kabarkada niya tulad nina Dimples, Isabel Oli at Jodi Sta.Maria.

Suspetsa pa nila, parenting na ang paboritong topic ng mga ito sa kanilang bonding.

 

Fandom abangers sa Pia, Jeremy engagement

Nag-imbita ang 2015 Ms.Universe na si Pia Wurtzbach sa kanyang IG followers . I-subscribe daw ang kanyang podcast na Between Us Queens sa Spotify.

Kasama niya sa naturang online show ang fellow beauty queens na sina Bianca Guidotti at Carla Lizardo.

Aniya, marami raw mapupulot ang kanilang viewers sa naturang show lalo pa’t maraming kuwento silang ibinabahagi sa kanilang podcast.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang pilot episode nito ay tumatalakay kung kailan daw ba dapat magpakasal.

Ang second episode naman ay pinag-uusapan kung bakit ang hirap magpapayat.

Masayang ibinalita ni Pia na number two na sa Spotify ang kanilang podcast.

Ang hiling lang niya ay mag-number one ito sa naturang streaming site.

Kung sakali raw mangyari iyon, pangako niya na tatambling daw siya sa tuwa kahit pa hindi siya marunong tumambling.

Hinihintay rin ng kanyang followers kung kailan ibabalita nito ang engagement sa boyfriend na si Jeremy Jauncey.

@@@

Gerald, Barretto bibida sa ‘Tagpuan’

Pinagpipiyestahan ngayon ng mga netizen ang kumalat na photo ni Julia Barretto sa social media.

Spotted kasi ang aktres sa Hayati Private Resort na pagmamay-ari ng rumored boyfriend na si Gerald Anderson pagkatapos na mapag-usapan ang umano’y moving on chapter nila ni Joshua Garcia.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sighted siya sa nasabing resort.

Katunayan, lumalabas na favorite hideaway umano niya ang nasabing resort sa Zambales.

Sa kanya namang estado sa ngayon, waring keber na kay Julia kung pagpiyestahan man sila ni Gerald.

Sey pa ng mga netizen, tagpuan daw nila ni Ge ang Hayati.

Since nagkaroon na ng closure ang JoshLia sa “Paubaya”, it’s about time na i-revive raw ni Moira de la Torre ang “Tagpuan” sa isang music video na pagbibidahan naman nina Julia at Gerald.

Obserbasyon naman ng ilan, hinihintay na lang daw nina Julia at Gerald ang pag-amin nina Bea Alonzo at Dominic Roque para lumantad sa paraang hindi sila magmumukhang mga kontrabida sa tunay na buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.