Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco ‘pumalag’ kay Richard

0 89

NI: ROLDAN CASTRO

Umiinit na ang tensyon sa pagitan nina Cardo Dalisay (Coco Martin) at Lito (Richard Gutierrez) ngayong umiigting na ang pagdududa niya sa totoong pagkatao ni Lito sa tumitinding mga eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Harap-harapan na ngang pumapalag si Cardo kay Lito. Lumalaki kasi ang hinala niyang trinaydor nito ang buong Task Force Agila kaya nalagay sa panganib ang kanilang buhay at nasawi si Alyana (Yassi Pressman).

Habang ipinaalam na ni Cardo na hindi na siya magtatrabaho para kay Lito, lalo pang kukulo ang dugo niya dahil unti-unti na rin niyang nadidiskubre ang sikretong nakaraan nito at ni Alyana.

Ngayong pinaplano na ng Task Force Agila ang susunod nilang hakbang, inutusan na ni Lily (Lorna Tolentino) ang grupong Black Ops na dalhin sa kanya ang bangkay ni Cardo upang masiguro na patay na talaga ito.

Bukod sa Black Ops, panibagong mga kaaway din ang makakabanggaan ni Cardo sa mga bagong karakter nina Bubbles Paraiso, Franco Daza, Drey Brown, Zeppi Borromeo, at Jamina Cruz sa kanilang pagsanib-pwersa sa grupo ni Lito upang pabagsakin na si Cardo.

Matuklasan na kaya ni Cardo ang lahat ng mga sikreto ni Lito? Paano haharapin ni Cardo ang mga grupong tumutugis sa kanya?

Panoorin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.