Coco rumampa sa balik-taping ng Ang Probinsyano

Ibinahagi ni Coco Martin sa kanyang Facebook account na Rodel Nacianceno ang pag-ocular sa balik taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Pumunta siya sa isang hacienda sa Lipa, Batangas na pagmamay-ari ng politician.
May caption siyang “Cardo Dalisay in the house
#FPJAngProbinsyano #CardoDalisay #CocoMartin.”
Sa pagrampa ni Coco sa nasabing location ay makikita sa larawan na kasama niya si John Prats at ilang staff ng nasabing serye.
Nu’n pa napabalita na lockdown ang mga artista sa pagti-taping ng “Ang Probinsyano” sa probinsya. Posibleng magtagal sila ng isang buwan sa location.
Napapanood ang naturang serye sa Kapamilya channel at sa CineMo ng TV Plus.
Reaksyon ng mga netizen sa pag-ocular ng aktor…
“Perfect un place na pinili nyo free covid ang Batangas .”
“Nice picture Anak love you and miss you. Hope to see you after pandemic. Alway take care. Still andyan pa rin ang covid.”