Abante Tonite Interactive

Coco sinagot ang panawagan ni Mystica

By
0 2,889

Nag-first shooting day na si Mystica sa Baseco para sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Dininig ni Coco Martin ang kanyang panawagan na tulungan siyang makabalik at mag-guest sa naturang serye. Malaki ang pasasalamat niya na binigyan siya ng chance at tuparin ang kahilingan niya na ibalik siya sa industriya.

“Hindi po ako kinuha ni Coco Martin dahil naawa siya sa akin. Kinuha po ako dahil sa talent ko,” deklara niya.
Ano ang unang sasabihin niya kay Coco ‘pag nagkita sila?

“Well, of course maiiyak ako sa tuwa dahil sa totoo lang ‘yung ginawa kong ‘yun ay isang malaking risk for me.

Kasi maaari nila akong i-deny, i-reject, pagtawanan lang and then nganga,” bulalas niya.

Tinulungan din si Mystica ni Nancy Ignacio Dimaranan, owner ng Comikera Food Park para magkaroon ng regular na kita ang tinaguriang ‘Split Queen’. Nagkasundo rin sila na maging mag-partner sa negosyo at balak iprodyus ng album.

Samantala, bukod kay Mystica, marami ang nanawagan kay Coco na bigyan din ng role sa ‘Ang Probinsyano’ ang maga­ling na child actress na si Rhed Bustamante.

Balitang nagtitinda na lang ito nga­yon ng kape at tinapay sa istasyon ng tren sa Sampaloc. Walang trabaho ang kanyang ama at walang pang-upa ng bahay kaya lumipat daw sa Meycauayan.