Abante Tonite Interactive

Coco target si Kathryn

631

Hanggang ngayon, hindi pa rin magkamayaw ang na­ging reaksyon ng mga netizen na nag-circulate na video ni Kathryn Bernardo. Nahuli siyang nakiki­pagtsikahan kay Coco Martin.

Nag-speculate tuloy ang mga fan na may nilulutong proyekto ang da­lawa.
Actually, kuha ang video sa naging pagkikita nina Kath at Coco sa isang beauty clinic.

Kasama rin sa kuhang ito si Judy Ann Santos na suki rin ng nasabing dermatological institute.

Ito ang ilang reaksyon ng mga faney sa kanilang video:
“Ang sarap ulit-ulitin nu’ng video ugh!”

“Coco and Kath and Ms. Judy Ann in one project pls.”

“Ay iba!!Mga SUPERSTARS!!!”

“Eyy gikilig kong Coco og Kath.”

“Pansin ko lang halos lahat ng artista nasa aivee na.”