Abante Tonite Interactive

Coco-Vic, Vice, Anne, Kim-Jericho pukpukan sa MMFF

By
3,567

Inilahad na ang first 4 official Metro Manila Film Festival entry.

Walo ang maglaban-la­ban na pelikula sa nasabing pestibal. 24 script ang nag-submit at narito ang unang apat n­a n­a­pili.

Magpupukpukan sa takilya at award ang pelikulang ‘Aurora’ ni Anne Curtis ng Viva Films, isang horror/ thriller. Ito’y sa direksyon ni Yam Laramas.

Pangalawa ang ‘Fantastica: The Princess, The Prince and the Perya’ nina Vice Ganda, Maris Racal, Loisa Andalio, Maymay Entrata ng ABS-CBN Productions, Inc. & Viva Films. Fantasy-comedy ito, directed by Barry Gonzales.

Pangatlo ang ‘Girl In The Orange Dress’ nina Kim Chiu, Jessy Mendiola, Jericho Rosales, Sam Milby, Tom Rodriguez at Keith Thompson under Quantum Films at MJM Productions, romance movie ito. Sa direksyon ni Jay Abello.

Pang-apat ang ‘Popoy en Jack The Pulis Credibles’ nina Vic Sotto & Coco Martin under CCM Film Prod, MZET Prod, APT Entertainment, action-comedy­ ang tema, directed by Rodel Nacianceno.

Ayon sa Selection Committee na pinangungunahan ng National Arti­st Bienvenido Lumbera, ang criteria sa pagpili nila ay Artistic Excellence – 40%, Commercial Appeal – 40%, Filipino Cultural Sensibi­lity – 10% at Global Appeal – 10%.
Ang nalalabing apat na entry ay pipiliin ang mga finished film nito hanggang September 21. Ang script ng short film category naman ay sa August 31 ang deadline ng submission.