Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coco, Vic, Vice luhaan sa Pasko

0 330

NI: ALWIN IGNACIO

Malungkot ang Pasko ng mga panatiko nina Bossing Vic Sotto, Queen Bayot Vice Ganda at Kuya Cardo nating lahat Coco Martin ngayong Kapaskuhan.

Bakit kaniyo? Wala kasi silang pelikulang kalahok sa online MMFF 2020. Ang tatlong

pinakasikat at pinakamalaking bentahe tuwing ang Pasko ay sumasapit, hindi mapapanood ng mga laging umaasa na sila ay makakapiling sa pinilakang tabing at magpapatawa sa kanila.

Sina Bossing Vic at Martin, talagang hindi nag-effort at all na gumawa o magsumite man lang yata ng finished script sa taunang festival.

Si Ganda, may “Prabeyt Benjamin 3” dapat pero sa hindi maipaliwang na dahilan, hindi pa tapos ang pelikula, hindi ba sinimulan o super nagka-aberya dahil nga sa pandemya?

May isa pa naman akong kilalang artista na tanda ko ang pag-amin sa akin na taon-taon, tradisyon nila sa kanilang pamilya na palaging inuunang panoorin ang pelikula ni Ganda, at saka na lang ang iba pang entries. Buong pamilya silang sumusugod sa sinehan. Maliban sa aktor, ilang milyong pamilyang Pilipino pa kaya ang malulumbay na ang kinasanayang tradisyon ay wala muna ngayong taon?

Alam natin sina Nacianceno, Sotto at Viceral, sa isang taon yata, isang pelikula lamang ang ginagawa tapos ngayon, wala pa sila. Ngayong wala nga ang tatlong hari sa takilya, makaapekto kaya ito sa viewership ng festival?

Medyo pricey pa naman ang bayad, P250 per movie .Nandiyan pa rin ang givens na may lugar sa Metro Manila na problematic ang signal at hindi lahat ng usual MMFF movie going public ay may internet access sa kani-kanilang mga balay? Hindi pwedeng sabihing isolated cases ang mga balitang may mga gurong umaakyat pa sa bubungan magka-signal lang .Marami pa ring mga mag-aaral na walang tablets para sa kanilang study modules? Ang mga gamitong katotohanan ay tiyak na may direktong epekto sa MMFF? Ang mga namumuno sa festival, may solusyon na kaya para rito?

Isang taon pang muli ang hihintayin para mapanood sina Coco, Vic at Vice. Kaya sa mga miss na miss sila, kayo na ang bahalang pumili kung ano sa mga inilalakong pelikula ang inyong papanoorin at susuportahan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.