Abante Tonite Interactive

Coco vs mga Sang’gre, matindi ang giyera patani

By
11

SINO kaya ang nagwagi sa giyera patani kagabi?

Pinalabas na ang Encantadia sa GMA 7. Ang kalabang mortal ng mga Sang’gre, ang FPJ’s Ang Probinsiyano.

Ang TV audiences siempre ang makikinabang sa kabugang ito. Sapat na kaya ang mga bagong starletitang Sang’gre with their Francis Libiran costumes to upset the ratings winner na drama on the lives of the police?

Si Cesar Montano at Vice Ganda ang mga bagong kalahok sa Coco Martin led drama.

Husto ba ang kanilang lakas at puwersa para makipagsabayan sa refurbished na tele­fantasya?

Ang madlang pipol, will they be loyal sa men in uniform o kakandi­rit sila at sisilipin ang iba’t ibang kaharian sa Encantadia?

Ang ka-Siyete pulled all the strings they could pull to ensure na sila ang magvi-viktoria sa labang ito.

Ang bagong incarnation of Encantadia seems bigger and grander than the first show.

Malaki ang naitulong dati of Enca kaya namayag­pag ang Kapuso network.

Will history repeat itself? O ito ang magiging biggest upset nila dahil formidable talaga ang kanilang TV foe?

coco-001May following na ang serye ni Coco Martin. Hindi lang ang mga Kapamilya, pati ang mga ka-pulisan, pati na yata mga Pulis Pangkalawakan, sila ang pinapanood.

Ang Probin­siyano works because of its fast paced story line, direction at siempre pa, ang husay sa pag-arte of all its stars, lalong-lalo na si Coco.

Sa seryeng ito, Coco always shines in his acting confrontations and duels, at macho papa siya sa action sequences.

Hindi siya takot to go out of his comfort zone.

Noong naging Paloma siya, hit na hit ito. Surely, marami pang surprises at pasabog na paparating.

Sa bagong Encantadia, oo nga’t nakakatuwa ang costumes at special effects, we still don’t know kung ang mga nangyari sa pilot episode eh they will be able to sustain.

May technical and computer magic na ginamit pero ang core of its success eh siempre pa nakasalalay sa kuwento at sa husay ng mga gumaganap bilang Sang’gre.

All eyes kina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia, kasi, they have massive shoes to fill.

Importante na they give heart, soul and gravitas sa kanilang iconic characters.

Hindi pwedeng daanin at dayain na lamang sa costume at stance ang kanilang pag-arte.

Nawa’y the bagong Sang’gres live up to the expectations.

Kung sino man ang magwawagi sa unang round of salpukan, congratulations.

Pero ‘wag maging kampante dahil simula pa lang ang laban.

***

Pasabog ang chikang ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos ay may chance na maging reunited at it feels so good kay reclusive film master Mike de Leon.

Ang huling pelikulang magkatrabaho ang dala­wa ay sa 1984 political drama na Sister Stella L.

Best picture sa URIAN ang pelikula, best actress si Vilma at super estrella ito during the awards season.

Dahil sa pelikula, naging sentimental favorite ang kantang Sangandaan na inawit ni Pat Castillo at naging ico­nic line ang, “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi nga­yon, kailan pa?”

Memorable sa Stella ang performance ni Laurice Guillen bilang Sister Stella B and the much missed Jay Ilagan, na ex-boyfriend ni Stella bago ito maging madre.

Of late, naging kontrobersyal at muling pinag-usapan ang pelikula, kasi nga, ang director na tila may reverence sa “I want to be alone” mantra at lifestyle eh isinambulat ang kanyang damdamin tungkol sa ilang personahe na diumano ay hindi naging maagap sa pagsagot sa mga official communication at request para ma-restore muli ang nasabing pelikula.

Ayon sa nagbalita tungkol sa pagsasamang muli nina Santos at Mike, “It will be Mike’s last work for which he would be remembered more than he is for Sister Stella L.”

Dagdag pa, ang Vilma-De Leon project ay tungkol daw sa mga De Leon at ang LVN Pictures.

Kung true ang chikang ito, ibig bang sabihin na si Ate Vi ang gaganap bilang LVN matriarch na si Doña Sisang?

Eh kumusta naman ang comment ni direk Mike na “wooden acting” si Vilma sa Sister Stella L?

If the Universe conspires for this film to happen, mapapatunayan kaya ni Santos kay De Leon na siya na talaga ang pinaka-mahusay na aktres ng bansa?

Sport kaya at chill lang si Vilma sa mataray-taray na comment ni direk Mike?

At kung walang kiyeme latik na ito na ang huling el bimbo ni direk Mike, ibig bang sabihin nito na never niyang pina­ngarap na makatrabaho ang people’s national actress na si Nora Aunor?