Abante Tonite Interactive

Coco wapakels na No. 2 ni Vice

954

Sa grand mediacon kahapon ng “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon ay natanong ang bidang si Coco Martin kung totoo bang sinabi niya payag siyang maging runner-up lang ni Vice Ganda in terms of box-office.

As we all know, magkalaban ang kanilang mga pelikula sa upcoming 45th Metro Manila Film Festival na magbubukas ngayong Dec. 25. Ang entry naman ni Vice Ganda ay The Mall, The Merrier.

“Honestly, wala kasi akong issue about du’n sa kung sino ang no.1, kung sino ang no.2. Di ba, parang iisipin mo pa ba ‘yun sa dami ng ano. Basta sabi ko nga, siguro naman, dapat kinakabahan ako ngayon or alam mo ‘yun?” pahayag ni Coco.

Kung siya raw ang tatanungin, okay lang sa kanya kahit anon’g number pa siya sa box office dahil ang mas importante ay proud siya sa kanyang ginawa lalo pa nga’t siya ang nagdirek, nagsulat at nag-produce nito.

“At alam kong hindi ako napahiya sa mga co-actors ko kasi, artista rin ako, eh. Alam ko pag pangit ang pelikulang ginawa ko, ang lungkot after. And then, hindi ka na nila gustong makatrabaho. Eh eto, proud ako kaya confident ako,” sey ni Coco.

When asked kung may pressure ba siyang nararamdaman dahil mabibigat ang kalaban sa filmfest, confident na sagot ni Coco ay wala naman daw.

“Kasi, siyempre, ako nag-edit, ako nakakita ng buong materyal. Honestly, sobrang excited na excited ako. Everytime naman, eh. Everytime naman na gumagawa ako ng project o pelikula, ayoko kasing nadi-dissapoint ang mga tao. Na parang lolokohin mo sila sa promo, tapos hindi ka proud after. Du’n, makikita mo ang nerbyos.

“Ako, honestly, sabi ko nga, hindi man kami siguro enough dahil wala kaming ka-co-prod na Star Cinema or Viva or anumang malalaking film outfit, proud ako kasi, ang hinihintay ko ay ‘yung after mapanood ‘to ng mga tao.

“Kasi, kumpiyansa ako du’n sa proyekto, eh. Sa materyal naming. Kasi nun’g ginagawa namin ang pelikula, ang iniisip namin ay ang manonood. Hindi para makipag-compete sa kahit anon’g pelikula.

“Honestly, masaya kami ang proud kami na halos lahat ngayon ng mga pelikula kalahok ngayon sa Metro Manila Film Festival ay lahat, magaganda. Kung baga, parang ang ihahandog namin ngayon sa mga tao ay magagandang pelikula at alam namin sa sarili namin na isa po kami do’n. Kaya sobra po kaming proud at hindi nape-pressure para sa Metro Manila Film Festival,” saad ni Coco.

Sam ‘di nagdalawang isip na supporting role

Sa 3pol Trobol pa rin, kasama rin sa pelikula si Jennylyn Mercado bilang leading lady ni Coco, Sam Milby at Ai Ai delas Alas. Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sila sa isang pelikula kaya naman sobrang excited nila.

Si Jen at si Coco ay dati na palang nagkasama sa independent film na Nurse noong 2007 pa.

“Ang tagal bago nasundan pero sobrang saya ko nun’g isa ako sa mga napiling cast dito sa 3Pol Trobol,” sabi ni Jen.

Si Ai Ai naman ay first time raw niyang nakasama si Coco bilang aktor at direktor.

“Siya ang dahilan bakit bumalik ulit ako sa gym, para maka-cope up ako sa energy niya, kasi hyper ‘to, eh. Pag sinabi niyang 5 o’clock on the set, 5 o’clock andu’n kami lahat, and ako, masaya ako as artista, kasi siyempre sa dami ng nagawa kong pelikula, natutuwa ako kapag sinabi niyang 5 o’clock on the set, nagme-make-up lang kami, tapos game na agad,” sey ni Ai Ai.

Si Sam naman ay nakasama na raw niya si Coco sa seryeng Idol noong 2008.

“When I was offered this role, hindi ako nagdalawang-isip. Of course, Coco Martin ‘yan, there’s a reason he is where he is right now, he’s one of the hardworking people sa showbiz ngayon.

“And yes, it’s a fun and exciting project,” sabi ni Sam.