Abante Tonite Interactive

Coco, Yassi grabe ang titigan, ligawan

0 957

Grabe ang hiyawan, palakpakan at pagmamahal na tinanggap nina Coco Martin at Yassi Pressman habang umaawit ng mga classic OPM rock and roll hits sa “ASAP Natin ‘To” sa Roma, Italia.

Mas pasabog ang pagpapakilala sa apat na taong action drama series na pinagbibidahan ni Rodel Nacianceno na hindi malulupig. Sangrekwang pagmalakasang drama anthologies at fantaserye na rin naman ang tinapat rito pero undisputed ang pagiging top rater, siksik, liglig at umaapaw pa rin ang commercial load. Nakakatuwang alam mong maraming mga artistang nawala na sa sirkulasyon ang nagkatrabaho. Muling nabuhay ang mga karera, nakapag-ipon-ipon at gumaan ang mga kabuhayan, dahil nga binuksan ni Martin ang kanyang palabas para sila ay makasama at maayos ang mga buhay-buhay. Classic example of what you sow, you reap kaya hindi na kataka-taka ang patuloy nitong pamamayagpag.

Sa “ASAP”, feeling like a rock and roller talaga si Rodel. Sa kanyang solo number kung saan kinanta niya ang iconic songs mula sa Juan dela Cruz at Mike Hanapol, he lorded the stage. He had the time of his life at ang mga Pinoy sa Italya, hindi magkamayaw sa pagtili at talagang maligayang-maligaya sila sa presensya ni Martin.

Mas dumoble ang kilig, ligawan at tilian siyempre pa nu’ng nasa entablado na si Pressman na game na game rin sa pag-awit, pagsasayaw, pakikipagtitigan ng malagkit sa nag-iisang Cardo Dalisay.

Sa true lang, iba ang panghalinang hatid nina Coco at Yassi on stage, huh! Kabog na kabog ang mga ibang Kapamilya love teams na alam mong pilit na pilit ang pagpapakilig.

Kina Martin at Pressman kasi, totoong-totoo, damang-dama mo na bukal at galing sa kanilang kaibuturan at busilak ang kanilang mga nararamdaman. Nakaka-auto in love tuloy. Wagas!

James nag-iinarte kay Nancy

Matapos pumutok in a major, major ang balitang magsasama sina James Reid at Momoland Nancy McDonie sa isang teleserye na “Soulmate,” ano nga kaya ang nangyari sa proyektong ito?

Frozen delight na ba? Lalo na nga’t sa isang panayam kamakailan, ayaw magkuwento nitong si Reid tungkol rito at mas pinagkakaabalahan niya yata ang mag-produce ng bagong album.

Lost in space na kaya ang estado? Dahil nga vocal ang binatang Filipino-Australian dati na ang tanging ka-love team niya lang for reel at real ay ang nag-iisang si Nadine Lustre?

Eh kamusta naman ang chika na wala naman yatang naniniwala, na hiwalay na ang de-kolor at puti nila ni Lustre? Hindi naman kaya sa karera lang sila pinaghiwalay at hindi sa totoong buhay? Maaari rin kaya na kaya ayaw pang magkuwento ni James tungkol sa proyekto nila ni Nancy ay dahil may confidentiality clause ang kanyang kontrata?

O, mas panalong isipin na he is zipping it kasi nga mas protective siya sa feelings ng kanyang minamahal? Ayaw niya ring maligalig at matuliro ang JaDine kung sakaling ibubulalas niya ang kanyang labis na pananabik at kilig sa pagsasama nila ni Nancy.

Sa true lang, takang-takang ang diva that you love at bordering on the pagkahibang kung bakit walang katakot-takot itong si Reid na mag-produce ng album. Hindi naman siya one of the most gifted and greatest singers vocally pero ang mga fan niya, go for gold ang pagyakap sa kanyang musical endeavors.

Kaya ganu’n na lang ka-agresibo at may kumpiyansa ang binatang inverted ang nipples na bebenta ang mga ito? O, ano ba talaga sila, may hearing disability lahat? Ang savage! Charot! Hahahaha!