Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coconut tree sa Bora dinudumog!

0 124

Masaya at nakakikilig na pagmasdang unti-unti nang bumabalik sa normal ang turismo sa Boracay Island na isa sa mga pamosong pasyalan ng mga turista sa Pilipinas.

Buhay na buhay ang mga tourist spot sa isla na karaniwang dinarayo ng mga bakasyunista.

Normal lang ang mga puno ng niyog sa baybayin. Pero may isang coconut tree sa Bulabog Beach na talaga namang agaw-pansin kaya dinudumog ng mga tao.

Pila-pila ang mga gustong magpalitrato sa naturang puno ng niyog.

Bata, matanda. Babae, lalaki. Pati na mga beki at shiboli. Kanya-kanya sila ng pose para makuha ang best shot. Hindi alintana ng bawat isa ang panganib na malaglag sa puno, may maiuwi lang na souvenir photo.

Na-curious ako kaya tinanong ko ang mga nakapuwestong Aklanon sa coconut tree – sila ‘yung mga nag-a-assist sa mga gustong magpalitrato.

Kasama raw sa tour package ng Boracay ang nasabing puno ng niyog na ang puwesto, halos maabot na ang pampang.

Magkakasunod na bagyo nitong bago magpandemya ang nagpahiga raw sa naturang puno.

Para hindi tuluyang bumagsak, itinali raw nila ito sa mga katabi pang coconut tree. Inalis lang ang suportang lubid nang makita nilang gumapang na ang ugat. Patunay na matibay na raw ito.

Ayon sa mga nakausap kong residente sa Bulabog Beach, hindi raw nila inakalang magiging tourist spot ito. Parang hindi kumpleto ang pamamasyal sa isla kapag hindi nasilayan ang nakadapang coconut tree.

Wala namang bayad sa mga nag-a-assist sa picture taking. Pero madalas daw silang abutan ng tip bilang pakonsuwelo ng mga turista. Bagay na ipinagpapasalamat nila lalo na ngayong panahon ng pandemya kung kailan mas kailangan ang dagdag na pagkakakitaan.

“Tree of life” kung ituring ang puno ng niyog dahil kapaki-pakinabang ang bawat parte nito.

Maraming benepisyong puwedeng makuha sap uno ng niyog. Ang sabaw ng coconut, pamatid-uhaw sa matinding init. Masarap din ang flesh o laman nito lalo na kung mala-uhog na karaniwang rekado ng marami sa paggawa ng buko salad. Ang dahon naman ng niyog, puwedeng gawing silong o tabing sa sikat ng araw. Likas na malangis ang coconut tree kaya nakaka-produce ng oil mula sa puno nito.

Ilan lang ‘yan sa mga benepisyong puwedeng makuha sa coconut tree. Kaya pahalagahan natin ang mga puno ng niyog, hindi lang dahil sa angkin nitong hitsura kundi sa likas na yamang hatid nito sa atin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.