Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COCOPEA exec: Guro, estudyante isama sa unang bakuna

0 46

Nais ng isang opisyal ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) na isama ang mga guro, mag-aaral at iba pang school personnel sa listahan ng prayoridad sa tuturukan ng bakuna kontra COVID-19.

“Sana ma-elevate naman sana ang mga teacher at members ng academic community sa priority list. Sa ngayon kasi number 6 ang teachers at no. 8 ang other school personnel. Hindi maliwanag din kung saan ang mga bata,” pahayag ni COCOPEA managing director Atty. Joseph Noel Estrada.

Tugon ito ni Estrada nang matanong sa panayam sa kanya sa radyo nitong Linggo kung isusulong ba ng mga pribadong eskuwelahan na masama sa mga unang babakunahan ang mga guro at mga estudyante.

“Kami naman umaasa kami na iangat pa. Kasi kung matatandaan natin last year ang sabi no classes unless and until may vaccine na. Sa ngayon naman kung may bakuna na sana kung may problema sa demand and supply sana ilagay sa priority ang mga nasa eskuwelahan. Kasi nung nag-reopen ang economy laging huli talaga ang nasa eskuwelahan dahil napaka-sensitive,” ayon kay Estrada.

Gayunman, kahit may bakuna na ay hindi pa rin umano sila nakakatiyak na tataas na ang porsiyento ng enrollment sa mga pribadong eskuwelahan.

Sang-ayon din si Estrada sa naunang sa naunang pahayag ng Parents Teachers Association (PTA) National Philippines na kontra sa face-to-face classes hangga’t hindi 100% naisagawa ang pagbakuna laban sa COVID.

“Tama din naman `yan,” ani Estrada.

Leave A Reply

Your email address will not be published.