Abante Tonite Interactive

Coffee Project ni Villar nagliyab

By
4,572

Nasunog ang isang coffee shop sa Quezon City na pag-aari ng pa­milya ni Senador Cynthia Villar at umabot din sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula ang apoy ng mga rumes­pondeng bumbero kahapon nang umaga.

Batay sa inisyal na ulat kay Senior Fire Officer 4 Fortunato Aldi ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-8:30 nang umaga sa Coffee Project na matatagpuan sa Lopez Drive, Brgy. South Triangle, Quezon City.

Ayon kay Aldi, nag­luluto umano ang isang empleyado ng coffee shop nang biglang lumaki ang apoy sa pinag­lulutuang kalan.

Dahil dito ay agad na kinuha umano ng mga empleyado ang fire extinguisher para patayin ang apoy pero maling klase ang nagamit ng mga ito kaya sa halip na maapula ang sunog ay lalo pa itong sumiklab.

Batay sa paliwanag ng mga arson investigator, ang kulay berdeng fire extinguisher na ginamit ng mga empleyado ay ginagamit lamang para sa electrical at chemical fire.

Dahil may mantika umanong kasama ang nasusunog, ang dapat ginamit ng mga empleyado ay ang kulay asul na fire extinguisher na nitrogen-based.

Tinatayang aabot lamang sa P2,000 ang pinsala sa nasunog na Coffee Project habang isang empleyado rin na tumulong sa pag-apula ng apoy, ang bahagyang nasugatan.
Naapula ang apoy bandang alas-nuwebe nang umaga.

Nabatid sa BFP na mananatiling sarado ang Coffee Project hangga’t hindi ulit nakakukuha ng clearance mula sa kanila ang ma­nagement nito.

Kailangan pa umano nilang suriing mabuti ang mga electrical wi­ring ng coffee shop na posibleng naapektuhan ng sunog.