Abante Tonite Interactive

Coffee shop patok sa mga empleyadong bingi

170

Nagbukas ng bagong outlet ang Starbucks sa Penang, Malaysia na pinatatakbo ng isang grupo ng mga may diperensiya sa pandinig.

Ito ang pang-apat na signing store sa mundo.

Noong 2016, ang Starbucks ay nagbukas ng kauna-unahang tindahan na inilaan sa pagbibigay ng oportunidad sa mga komunidad ng mga bingi.
Inihayag ng Starbucks ang grand opening ng Penang Signing Store sa kanilang Facebook page.

“Our second Signing store in Penang is officially in motion and brewing! Penangites, share the good news and enjoy a unique experience of our Starbucks Signing Store,” ayon sa post ng coffee shop.

Upang matiyak ang tagumpay ng proyekto, ang sikat na coffee house chain ay nakipag-partner sa Penang Deaf Association.

Ayon sa website ng Starbucks, ang partnership ay malaking bagay na ma­suportahan ang professio­nal training at development ng mga empleyado nito.

Sinabi ng pangulo ng Penang Deaf Association na si Razman Tan Abdullah na masaya sila sa ipi­nagkaloob na oportunidad. (Mina Aquino)