Abante Tonite Interactive

Cokie Roberts pumanaw na

302

Pumanaw na ang beteranong journalist at political commentator na si Cokie Roberts sa edad na 75. Namatay siya sa komplikasyon sa sakit na breast cancer.

Ikinalungkot ito ni former President Barack Obama at ng kanyang maybahay na si Michelle Obama.

Aniya, “She was a trailblazing figure; a role model to young women at a time when the profession was still dominated by men; a constant over forty years of a shifting media landscape and changing world, informing voters about the issues of our time and mentoring young journalists every step of the way.”

Halos 3 dekada rin siyang naging news anchor sa ABC News at naging contributor sa “This Week”. Dati rin siyang naging co-anchor sa sikat na news show kasama si Sam Donaldson.

Napabilang siya sa Cable Hall of Fame at kasama sa 50 greatest women in the history of broadcasting ng American Women in Radio and Television.

Mataas ang paggalang kay Cokie ng Library of Congress noong 2008 dahil sa dugong politika na nananalaytay sa kanya. Ang kanyang ama ay si Thomas Boggs na isang Congressman at Democratic House majority leader na dating miyembro ng Warren Commission. Ito ang nag-imbestiga sa pagkamatay ni John F. Kennedy. (Ronaline Avecilla)