Abante Tonite Interactive

Coleen at Billy ‘di kayang manakit ng kapwa

By
4,808

MABILIS na nag-sorry ang soon-to-wed couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia matapos i-bash ng netizens ang kanilang prenup shoot sa Ethiopia at maparatangang insensitive, offensive, inappropriate, disgusting at distasteful.

Binakbakan ng netizens ang paggamit nina Billy at Coleen ng ilang local women and children doon bilang ‘props’ o ‘background’ sa kanilang shoot na racist ang dating sa iba.

Sa official statement ng Kapamilya couple, sinabi nina Billy at Coleen na ikinalungkot nila na taken out of context ang ginawa nilang prenup shoot, na sponsored daw ng Ethiopian Airlines para i-capture ang natural environment ng nasabing bansa at makatulong sa turismo nito.

Meron daw silang local guide na present sa buong shoot at leisure time nila sa Ethiopia. Ito ang nag-ikot sa kanila at nag-suggest kung sino ang mga puwede nilang isama sa shoot.

“The locals were so kind, warm, and welcoming and they love meeting tourists. They even gave us items of clothing to add to our shoot, for which they showed so much support,” bahagi ng nasabing statement.

Paliwanag pa ng BiCol couple, “‘Yung shot with the kids, actually patapos na kaming mag-shoot noon na kaming dalawa lang and we just needed to get a few shots in, but naaliw ‘yung kids (who were already there) and they really wanted to be a part of the photo, so they kept coming into the frame hanggang sa sinama na nina Oly (Ruiz, official photog nila).”

Dagdag pa ng couple, “We never forced anyone nor wanted to disres­pect any race or culture. People in the Philippines felt disrespected and offended, but being there was a completely diffe­rent feeling.”

Tinanggal daw agad ng team nila ‘yung tatlong photos na inalmahan ng netizens dahil hindi nila intensyong maka-offend.

“We had so many positive encounters, kaya siguro hindi pumasok agad sa isip namin. The children weren’t sad and oppressed, they were so friendly and curious.

“When we looked at the photos, we didn’t see slavery or racism at all, lalo na when you take all the rest of the photos into consideration.

“It’s sad that the tendency is to jump to conclusions, but we unders­tand din kasi nga they were not there to witness everything.

“And looking at it from­ their perspective, we do still see where they are coming from. Completely­.

“It might not even be about the photos per se, but more on how it comes across and what it could represent.

“Being public figures, dito kami nagkulang and we admit we could have done better.

“Kaya, we do apologize for how it might have translated, and we’re sorry again to those we have offended,­” bahagi pa ng opisyal na pahayag nina Billy at Coleen.
Nabanggit pa ni Billy na nakaranas siya ng bullying and racism for being Asian nu’ng kabataan niya sa Roosevelt Island, kaya hindi niya magagawang manakit o mangmaliit ng sinuman.

Hindi pa raw ‘yon ang ‘official’ prenup ng BiCol dahil meron pa silang isa na dito sa ‘Pinas ang setting.

***

NAGKAROON ng kakatwang twist ang kontro­bersiyal na prenup shoot nina Billy at Coleen sa Ethiopia dahil naglaba­san online ang iba’t ibang variation ng mga sinuot nila sa nasabing shoot.

Dinaaan na lang sa biro ni Billy. After nga naman nila ma-bash ng bongga, heto’t ang daming naglabasang meme na pinagtatawanan ang mga si­nuot nila sa shoot. Kalerky, double whammy!

Actually, bet namin ‘yung ibang outfit nina Billy at Coleen sa shoot na ang ganda ng kulay at high fashion ang da­ting, pero matapos ku­malat online ‘yung mga nakakatawang meme ay parang nagbago ang isip namin. Ha! Ha!

Lagot. Kawawang stylist. Laughing stock ngayon sa social media!