Abante Tonite Interactive

Collado, Basilan lusot kontra Bicol sa MPBL

330

Kutsabahan sina Jay Collado, at Gabriel Dagangon sa Basilan upang madiskaril ang binyagang Bicol, 94-83, sa opening game Miyerkoles ng gabi ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakandula Cup eliminations sa Mall of Asia Arena, Pasay.

Maangas sa halos kabuuan ng sultada ang Mindanao-based squad laban sa mga taga-Luzon kung saan sinapawan ng una ang huli sa first stanza, second period at sa final quarter via 25-22, 30 at 25-18 blitz para makabuwenamano agad.

Buslo si Collado ng team highs 16 points at 10 rebounds, at agapay si Dagangon ng 15 markers sa Steel. May importante ring twin-twin job gaya ng una para rin sa winning team si Cris Dumapig na naka-10 pts. at 10 boards, at si Hesed Gabo’y pumuntos ng 13.

Lumayo ng hanggang 16 ang Basilan tapos tumayo mula sa tatlong puntos lang na paghahabol sa Volacones, pinangunahan ng 23 pts. ni Alwin Alday.

Ang iskor:
BASILAN 94 – Collado 16, Dagangon 15, Gabo 13, Dumapig 13, Bautista 8, Palencia 8, Hallare 6, Bringas 5, Daa 4, Alanes 3, Sorela 2, Balucanag 1, Ng 0, Trinidad 0.

BICOL 83 – Nuyles 22, Alday 21, Buenafe 15, Lalata 7, Milagrosa 6, Mondragon 5, Guerrero 0, Ongteco 2, Gusi 2, Alfonso 1, Manalang 0, Gandol 0, Garcia 0.

Quarters: 25-22, 55-42, 69-65, 94-83. (RDC)