Abante Tonite
Mabilis sa Balita

College prof, utol tiklo sa buy-bust

0 183

Kalaboso ang isang college instructor at kanyang nakababatang kapatid na babae na kapwa nasa drug watch list ang nadakip ng pulisya sa buy-bust operation sa Brgy. Duhat, Bocaue, Bulacan noong Biyernes.

Kinilala ang mga naarestong sina Jessica Rose Enriquez, 26-anyos, instructor sa kolehiyo, at kapatid na si Julia, 21, kapwa residente ng Brgy. San Jose, Dasmariñas, Cavite. Sinasabing source ang dalawa ang source ng droga sa lugar at bumibiyahe pa sa Bulacan para magbenta ng shabu.

Hindi na nakapalag ang magkapatid ng pagbentahan ng droga ang undercover agent at makumpiskahan ng shabu na may bigat na 25 gramo at nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P75,000. Narekober din ang itim na Toyota Vios na gamit ng mga suspek sa pagbibiyahe ng shabu, isang cellphone at buy-bust money. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.