Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Colonel dinakma sa carnap innova

0 355

Arestado ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos na mahulihan na gumagamit ng kinarnap na sasakyan sa isinagawang operasyon ng Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) sa San Mateo, Rizal Huwebes ng gabi.

Hindi na nakapalag nang arestuhin ng pinagsanib na puwersa ng IMEG at National Capital Region Police Office (NCRPO) ang suspek na nakilalang si P/Lt. Col. Renato Banas Castillo, 46, nakadestino sa NCRPO Regional Headquarters, habang minamaneho ang pulang Toyota Innova na may plakang WKO-650 na iniulat na kinarnap habang nakaparada sa Magnolia St. Roxas Distric, Quezon City noong Agosto 5, 2014 na inireport ng may-aring si Jonnel Sangalang.

Subalit ng madakip ang suspek gamit ang nasabing sasakyan ay iba na ang plate number nito sa orihinal na plaka dahil ang nakalagay na plaka ng sasakyan ay AAM-3350 na orihinal na plaka ng isang Isuzu DMAX na SUV.

Dinala ang narekober na sasakyan sa PNP-IMEG Headquarters sa Camp Crame gayundin ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.