Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Colonel na bumulag sa pulis posibleng sibakin

0 66

Posibleng tuluyang masibak sa serbisyo ang isang pulis na pumalo ng basag na baso sa mukha ng isa ring pulis sa Legazpi City, Albay dahilan ng pagkabulag nito, ayon kay PNP-Internal Affairs Service Inspector Gen. Alfegar Triambulo.

Sa text message sa mga reporter kahapon, sinabi ni Triambulo na se­rious offense ang ginawang pagkakasala ni Col. Dulnoan Dinamling Jr., dating commander ng Aviation Group Region 5, kay Police Master Sgt. Ricky Brabante, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion-5, na maaari niyang ikatanggal nang tuluyan sa trabaho.

Ipinag-utos na rin ni Triambulo ang pagsasagawa ng parallel investigation na isinasagawa ng Special Investigation Task Force ng Police Regional Office 5.

“‘Pag ganon nature ng incident grave misconduct, ang possible administrative case na isasampa, it may result in his dismissal from police service kasi it is a serious offense.”

SM food to go Banner Ad

Samantala, nagbigay si PNP chief Gen. Dionardo Carlos ng isang linggo upang makumpleto ang imbestigasyon hinggil sa kaso.

Nagsampa na rin kamakalawa ng kasong frustrated murder sa prosecutor’s office ng Legazpi City si Brabante laban kay Dinamling.

Matatandaang Nobyembre 12 ng madaling-araw nang paluin ng basag na baso ng lasing na si Dinamling si Brabante dahilan ng pagkabulag ng kanang mata ng huli. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.