Abante Tonite Interactive

Color that will land you a job

By
983

Libo-libo na naman ang nagsipagtapos nga­yong taon. Masuwerte kung tinawagan ka na for a job interview. Ibig sabihin lang, aprub sa would-be employer ang ipinasa mong curricu­lum vitae (CV) o resume. Kaya huwag saya­ngin ang pagkakataon. Dapat paghandaan ang actual face-to-face interview.

Hindi naman kailangang gumasta. Ayon sa pag-aaral, ang dapat isaalang-alang ng apli­kante ay ang kulay ng damit na isusuot. Binanggit sa isang article ng Jobstreet na sa loob lang ng isa’t kalahating minuto, may assessment na agad sa’yo ang isang tao. Sixty-two hanggang 90% nito ay naimplu­wensiyahan daw ng kulay.

Kung dati’y hindi mo masyadong pinagtutuunan ng pansin ang kulay ng iyong interview attire, baka kailangan mo nang simulan ngayon. Tandaan, ‘first impression lasts’.

Ano nga ba ang ‘best’at ‘worst’ colors sa job interviews?

BLUE – Dahil sa TV ako nagtrabaho noon, highly recommended ko ang blue. Maganda at malamig ito sa paningin. Ayon din sa mga eksperto, asul ang may highest approval sa mga would-be employer. Nagpapa­kita raw itong credible at trustworthy ka. Pinapamalas din nitong kalmado at may kumpiyansa ka sa sarili.

GRAY – Simple ang gray. ‘Pag ito raw ang kulay ng suot mo, classy pero approachable ang dating mo. Karaniwan din itong iniuugnay sa pagiging analytical at logi­cal, kaya madalas daw isuot ng mga aplikante sa anumang propesyon.

BLACK – Pinakamataas sa authority scale ang black. Effective itong isuot kapag ang ina-aplayan mong trabaho ay managerial o executive positions na. Maging cautious ka sa pagsusuot nito dahil baka isipin ng would-be employer mong overpowe­ring ka lalo na kung entry level o administrative position ang ina-aplayan mo.

WHITE – Universal color ang white na ang ibig sabihi’y purity at simplicity. Ito ang madalas na kulay ng pang-itaas na damit gaya ng shirts at blouses. Maganda ring magsuot ng crisp white jacket para bigyang liwanag ang dark tops. Sabi ng marami, organisado at detalyado kang tao kapag naka-puting damit.

BROWN – Neutral color ang brown na ang ibig sabihin daw ay comforting at reliable ka. Bagaman walang nega­tive associations kung ito ang kulay ng suot mo, hindi naman ito bagay kung gusto mong ipaki­ta sa would-be emplo­yer mong modern at progressive ka. May impression ka­sing makaluma ang brown.

RED - Kung ako ang tatanungin, hindi maganda sa pani­ngin ang pula. Medyo mabigat sa mata. ‘Ika nga nila, color of power, passion and aggression ang red. Baka magmukhang bossy ka kung ito ang kulay ng damit na suot mo. Pero okay lang maglagay ng dash of red sa damit gaya ng tie o scarf, na hindi naman magmumukhang overconfident ka.

YELLOW – Ito ang most luminous shade sa color spectrum. Kapag ito ang kulay ng suot mo, parang kita sa’yo ang imahe ng haring araw na nagpapamalas ng positivity at happiness. Yellow ang highly recommended co­lor choice ng mga eksperto sa mga creative professionals.

GREEN – Usually associated ang green sa kabataan, kapayapaan at kaligtasan. Magaan din sa mata ang berde kaya calming impressions ang hatid nito sa would-be employers. Sa kabilang banda, tila inexperience ka raw kapag ito ang kulay ng suot mo. Upang labanan ito, magsuot ng darker shades of green para maipamalas ang maturity.

ORANGE & PURPLE – Gaya ng red, masyado ring loud at vibrant ang orange at purple kaya madalas maiisipan kang overpowering ng would-be employer mo. Okay ang mga kulay na ito kung bahagi lang ng damit na isusuot mo gaya ng tie at scarf.

Sa huli, hindi pa rin sa kulay ng damit nakasalalay kung makukuha mo ang inaasam-asam na trabaho o hindi. Importante pa ring galingan mo sa pagsagot sa mga tanong sa’yo. At siyempre, huwag kalimutang magdasal bago sumalang sa job interview.