Abante Tonite Interactive

Columbian sadsad kay Macklin

By
3,349

Inumpisahan ni Vernon Macklin ang atake ng Magnolia at hindi na naglubay ang Hotshots hanggang ilampaso ang Columbian Dyip 126-101 Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nadiskaril sa unang salang, kinontak ng Hotshots ang pangalawang sunod na panalo para umangat sa 2-1 sa PBA Commissioner’s Cup.

Balik sa lupa naman ang dating namamayagpag na Columbian na nahatak sa 3-3 baraha.

Sa first half lang ay tapos na ang boksing nang lumayo ang Magnolia sa 72-43, halos final tally na lang ang hinihintay.

Tumapos si Macklin ng 19 points – lahat sa first half – at eight rebounds sa loob lang ng kulang 29 minutes dahil hindi na siya ibinabad ni coach Chito Victolero. Last game na ni Macklin sa PBA, tinanggap ang offer na maglaro China.

Lima pang Hotshots ang umiskor ng 11 pataas sa pangunguna ng tig-18 ni Ian Sangalang at tig-17 nina Paul Lee at Mark Barroca. May eight assists pa si Lee, si Jio Jalalon ay may 11 points at 9 boards.

“It’s a battle of defense versus our offense,” lahad ni Victolero. “Maganda ‘yung mindset ng mga bata. Maganda ‘yung start namin. We tried to match up their three guards with our three guards, maganda naman resulta.”

Pinangunahan ng 22 points at 19 boards ni John Fields ang Columbian na nalubog hanggang 38.