Abante Tonite Interactive

Comeback ni Garcia purnada

366

MUKHANG hindi pa matutuloy ang comeback ni RR Garcia sa PBA.

Nagbago ang isip ng Rain or Shine, hindi na pinapirma ng kontrata ang guard.

Noong nakaraang linggo ay naki-try out si Garcia sa Elasto Painters, naglaro pa.

“We would like to get him, but at the end of the day, we have to develop our young ones,” ani coach Caloy Garcia.

Noong nakaraang season pa hindi ginagamit ng TNT ang dating FEU guard.

Nag-expire na ang kontrata ni Garcia sa KaTropa kaya puwede na siyang maghanap ng malilipatang team.

Sa ulat ng Spin.ph, mukhang interesado sa serbisyo ni Garcia ang Phoenix.

Sa tune-up kontra Fuel Masters nang maglaro si Garcia sa Painters. (VE)