Abante Tonite Interactive

Comedienne, nakipagtaguan sa kaibigan dahil sa lalaki

88

SUMIKAT noon si comedienne kahit paano.

Pero dahil sa kaartehan niya at desisyong hindi niya napangatawanan, na-lost in space siya sa sikat na musical variety show.

Sayang ang galing ni ate sa pagkanta at bonggang timing sa comedy. Nawawala siya sa ere dahil sa lalaki.

Ang isyu sa FEELING maganda na itits, may jowa ang singer-actor na minahal at kinabaliwan niya.

‘Tsurang asong gala si ate sa kasusunod kay kuya na may malaking tumor sa pagitan ng dalawang hita.

Tanga-tangahan ang peg ni ate sa nagdudumilat na katotohanan na TINIKMAN lang siya ni dakilang kuya.

Iniwan siyang nakatiwangwang.

Naka-move on si ate after almost 5 years.

Bumalik siya sa pagpe-perform sa television at sa mga raket here and abroad.

Hanggang may lalaki na namang sumimsim ng kanyang nectar.

Chika ni ate, ito na ang seseryosohin niya.

Wah na niya feel humarot sa iba.

Lalagay na siya sa tahimik. Makikipag-isang dibdib.

Suddenly hindi magic, halos magka-sore eyes si comedienne sa pa­­g­luha.

The boy left her.

At ang nakakalukring na isyu, napapanaginipan pa ni ate ang singer/actor na may alagang tuta sa pundilyo.

After that achy breaky heart episode, bumalik na naman si ate sa pagkanta at pag-arte.

Matagal-tagal din ang ipinaghintay niya hanggang dumating ang boylet na mashongkad at 3½ days lang siyang niligawan, bumigay na siya.

Ipinatikim na niya kay boylet ang mainit-init niyang monay. Sabi ng mga friend nyang nyostik, IT MUST BE LOVE!

Nawawala na naman kasi si ate sa limelight.

One afternoon sa isang mall na wah masyadong tao, na-sight sina ate at boylet ng isang friend.

Akmang lalapitan sila, hinila agad ni ate ang kanyang mhin palayo sa kaibigan.

Hide and seek sila!

Umabot yata sa CR ang taguan dahil naihi na si ate kaiiwas. Lakad ulit na parang walang patutunguhan ang magsing-irog…

BULAGA!

Nagkita sila sa parking area.

Doon na tnanong ni friend si ate kung bakit siya pinagtataguan. Sagot ng praning na singer-comedienne, “Ayaw ko na kasi ng tsismis!”

Gusto niya na raw ng tahimik at simpleng buhay.

Tahimik at simpleng buhay my ass!

Eh bakit may nakakita sa kanila sa labas ng bar na parang mga ahas na nagkilingkisan?!

‘Yun ba ang simple, pinapanood ng mga tambay?!