Abante Tonite Interactive

Comedienne, natanso sa pag-irog

83

SINGER/comedienne/actress, naha-high blood kapag lovelife ang napag-uusapan…

Bakit kaya?

History Channel muna tayo…

Bigla na lang siyang bumulaga sa boobtube na pawang negatron reactions ang natanggap niya.

“Buhket?!” “Da huuu?” “Cynthia?”

“Artista ba ‘yan?” “Saan galing ‘yan?”

“Malakas siguro ang ma­nager niyan!”

“Chaka!” “Chararat!” “Jonget!”

Pero pinatuna­yan niyang may ‘K’ siya! May puwang!

Magaling, ma­galing!

Pwedeng maki­pagsabayan kung kanino man — babae o lalake, tiburcio o bekibels.

Matagal bago siya nabiyayaan ng pro­ject sa tv o pelikula, pero wah siya care dahil alam niya na lalanding sa face niya ang suwerte sooner or later, come what may.

At eto na ang pinakahihintay niya… may teleserye na siya. (Katok, Lady Luck!)

Sumabay pa ang indie movie. Kasunod na ang paglagapak ng mainstream movie sa beauty, este, buhay niya.

BFF ng bida ang role ni ate!

Sagana siya sa exposure kaya feel na feel niya at iniyayabang garcia niya lagi kahit saan siya magpunta.

Dahil na rin sa pagpupunyagi at pagsusumikap ni ate, bumongga ang career niya.

Sunud-sunod ang shows niya sa 3 tv stations.

Nagtamasa siya ng tagumpay at taas-noo na siya sa mga taong yumurak dati sa pagkatao niya.

Busy-busy-han na si ate pero sa pag-iisa, naitatanong niya sa sarili, “Bakit wala pa akong lovelife?”

Tsika ng mga friend niya, maitim ang tuhod ni ate dahil lumalakad siya nang paluhod habang nagsusumamo na magkajowa na siya.

At ipinagkaloob naman sa kanya, kaya happiness & good vibes si ate….

Pero panandalian lang pala ‘yun!

Pinatikim lang siya ng konting ligaya.

Naghiwalay agad sila ng BF niya na hindi maliwanag kung bakit.

Crayola pagaspas si ate. Kikirut-kirot ang puso at lalong natakam sa paglasap ng pagsintang tsalap-tsalap!

Hanggang nabalitaan niya ang masaklap na katotohanan kaya hiniwalayan siya ng irog niyang pururot!

Ang jowa pala niya eh joklita mirasol!

Judingding matobato!

Badiday eskaryote!

Kaya hindi na umasa si ate na magkakabalikan pa sila. Wala siyang chance.

Wala siyang laban.

Pinagsabay na lang ni ate ang pagtatrabaho at pagbi-bitter ocampo.

Madalas, nagmamaldita siya at tinitilian ang mga kasama.

Sa isang presscon kamakailan, mahinahong tinanong siya ng isang bading na manunulat, “How true na ayaw ka nang makita ni boylet dahil….”

Hindi natapos sa pagtatanong si bading na manunulat pagka’t tumalak agad si ate, “Sana, wala nang mga ganyang tanong! Nakakairita na, eh!”

Natigalgal si baklush at ang mga nakarinig.