Abante Tonite Interactive

Comedy ni Vice luma na

1,771

Tuwing Kapaskuhan, hindi lang “staple” kundi para sa mayorya, tradisyon na ang panoorin ang isang Vice Ganda-led movie sa taunang MMFF.

Ngayon nga, ipinangalandakan na nila ang bagong trailer para sa pambato ni Queen Bayot at Anne Curtis, kasama ang mga the WHO na more that populates the Star Magic Kingdom, ang “The Mall, The Merrier”.

Para sa additional istariray factor, siyempre may Dimples Romana at para pampakilig na kunyari magkakagusto sa katauhan ni Jose Marie sa pelikula, andiyan ang beefcake du jour, si Tony Labrusca.

Habang pinapanood ko ang kanilang mahaba-habang patikim, sa true lang, maliban sa potential millions, if not billion, na maaaring kitain nito sa takilya, ano nga kaya ang meron ang pelikulang itong ni Viceral at pumasok siya sa pihikang panlasa ng mga taga-screening committee para mapabilang ito sa apat na pasok sa finished script?

Hindi na bago na ang drama ni Vice ay in “drag” siya o kaya baklang nagpapanggap na babae siya sa isip, salita at gawa kahit pa nga kay hirap i-suspend ang disbelief tungkol rito.

‘Yung nag-aaway na magkapatid, bagong-bago pa rin ba? Hindi ba gamit na gamit na rin ‘yan sa mga iba pa niyang box-office movies?

Eh ‘yung mga lalaking kunyari eh nasang-nasa at may pagtangi sa kanya, hindi ba mas triple ang pagkabago?

‘Yung mga baklang nakakairita, maiingay at ginagawa niyang mga kabatuhan sa mga linya o kaya support, grabe, bagong-bago talaga ang sangkap na mga ito?

Kaya nga, sa true lang tayo, porke ba “it ain’t broke, why fix it” at dahil nga “formula” na talaga ni Ganda ang ganitong klaseng pagpapatawa at pelikula, sandamukal naman ang tinatabong salapi sa box-office, dapat tanggapin na lang ang ganito?

Na oo, phenomenal box-office star ka, wala kang pakialam sa mga award at rekognisyon basta ang importante pinasaya at pinahalakhak mo ang mga tao. Ang producer mo laughed their way to the bank. Bilang “artist” ba, walang “craving” or “thirst” ang Queen Bayot to step out of the box, comfort zone at formula na so accustomed na siya and maybe, para sa Little Ponies at hibang na hibang na publiko sa kanya, “bago” at “fresh” naman ang kanyang ibigay?

Isang beses sa isang taon na nga lang siyang gumagawa ng pelikula, tapos ganito pa rin? Parang bagong luma? Recycled may pera sa basura at walang sawang paglalako sa nakakabundat ngang junk food pero wala namang sustansiya?

Ngayon bang andiyan na ang tunay na nagmamahal sa kanya, si Ion Perez, mangangahas na ba si Vice Ganda na ibang-ibang klaseng comedy naman ang ialay niya?

O baka naman, ang diva that you love, eh jumping the gun na at marami naman palang kakaiba sa “The Mall, The Merrier”?

Dahil diyan, look na lang muna ako sa sky, with matching malalim na buntong hininga at itatanong ko na lang sa buwan.

Daniel walang kuwenta ang kuda

Papatulan pa ba natin ang mga pahayag ni Daniel Padilla tungkol sa megahit movie na “Hello, Love, Goodbye?”

Huwag na. Prerogative naman niya kung tumanggi siyang gawin ang pelikula at isa pa, pointless pa na mag-opinyon tayo.

Kung nagpakatotoo na lang sana siya, na may pag-amin siyang may kaba, nerbiyos at takot siyang naramdaman for himself kasi ang inamorata niya found a new leading man, baka sakaling ikalugod ko pa ang kanyang saloobin.

‘Yung mga emote na may “selos” na naramdaman, how juvenile at uulitin ko nga, super “water under the bridge” na, hindi ba naman.

Karapatan naman niyang ihayag ang kanyang mga nagmamarakulyong damdamin at we are not taking it against him dahil sinagot niya lang naman ang mga tanong sa kanya the best way he can.

Pero mas kainaman at “gentlemanly” if he just zipped it at naglambing na “huwag na nating pag-usapan iyan kasi tapos na naman ang movie.”

At saka, secure na secure naman ang relasyon nila ni Kathryn Bernardo, hindi ba naman?

Vico, Gretchen magdyowa agad

Dahil nga sighted ang most eligible bachelor at Pasig City Mayor Vico Sotto at former volleyball superstar Gretchen Ho na nanood sa isang volleyball game, marami agad ang nanalig na magdyowa ang dalawa.

Hindi ba puwedeng good friends ang dalawang former university mates mula sa Ateneo de Manila?

Kung sabagay, wala namang masama kung ang konklusyon ay magdyowa sila agad dahil nga basing it sa mga larawan, they looked good together, they were obviously close, parang hindi sila ill-at-ease sa isa’t isa. Mukha ngang they were enjoying the game at ang company of each other.

Kaya kung mag-blossom at bloom ang kanilang friendship sa isang romantic relationship, bongga nga naman ‘di ba?