Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec bahala sa pag-iikot ng mga ‘kandidato’

0 41

Para sa political analyst na si Mon Casiple walang mangyayari sa puna ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga politikong nag-iikot sa mga lalawigan hangga’t walang inihahaing reklamo sa Commission on Election (Comelec).

Ayon kay Casiple madaling makalulusot sa alegasyong early campaigning lalo at election season na ang mga politiko.

“Kung walang gagawin at walang reklamo sa Comelec o sa DILG masasabi nating wala ding silbi ang ganitong mga pagpuna ni Mayor Isko at ng mga kritiko,” paliwanag ni Casiple.

Matatandaang nagpasaring si Mayor Isko sa mga politiko na nag-iikot sa mga lalawigan na kailangan ang kanilang presensya sa kanilang mga siyudad para tututukan ang COVID-19 response lalo at hindi pa naman panahon ng eleksiyon.

Isa si Mayor Sara Duterte sa napulaan ng mga kritiko dahil sa timing ng pagbisita kamakailan sa Cebu at Zambaoaga City gayundin ang pakikipagpulong niya kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kabila ng nangunguna pa rin ang Davao City sa mga lalawigan sa labas ng National Capital Region (NCR) na may mataas na COVID-19 case.

Nagbigay naman ng payo si Casiple sa mga nag-iikot na politiko na tiyaking sinusunod ang itinatakdang­ health protocol para na rin sa kaligtasan ng mga botante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.