Abante Tonite Interactive

Comelec ‘di na mag-iisyu ng voter’s ID

By
1,045

Hindi na mag-iisyu ng voter’s identification card ang Commission on Elections (Comelec) sa mga magpaparehistro.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, itinigil na ng Comelec ang pagpi-print ng mga voter’s ID noon pang 2012 kasunod ng panukalang pag-e-establisa ng national ID system.

“This voters’ registration will not result to them getting voter’s ID. If you are looking to be registered voters just to get a voter’s ID, just forget it,” ayon kay ­Jimenez.

Sinabi ni Jimenez na magparehistro na lamang para makaboto sa darating na 2019 midterm-election.

Lahat aniya ng mga interesadong bumoto sa susunod na halalan ay maaaring maghain ng kanilang aplikasyon hanggang sa Setyembre 29 mula Lunes hanggang Sabado maging kapag holidays mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon sa alinmang tanggapan ng Comelec nationwide.