Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec ex-chief sa binasurang Marcos protest: 2016 election da best

0 48

Hinayag ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Andres ‘Andy’ Bautista na ang pagbasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa electoral protest ni dating senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo, ay pagpapatunay sa obserbasyon na ang 2016 election ang ‘best’ sa kasaysayan ng Pilipinas.

“SC unanimous decision validates observation of international and local independent watchdogs that 2016 elections were the best in Philippine history! Thank you @Comelec family,” tweet ni Bautista, nitong Pebrero 16.

Samantala, para naman sa ilang mambabatas, pinatunayan din umano nito na pagsasayang lamang ng oras at pondo ang protesta ni Marcos.

Ayon kay ACT Teachers Rep. France Castro malinaw na pabor ang resulta ng eleksyon kay Vice President Leni Robredo sa simula pa lamang, “Pagsasayang lang ng oras at resources ang protestang ito knowing na obvious naman na ang result ng nakaraang election ay pabor kay Bise Presidente Robredo.”

Sinabi rin ni Castro na malaki ang kahihiyang idinulot ni Solicitor General Jose Calida sa pakikialam nito sa electoral protest at pagsuporta kay Marcos kahit na ang kanyang mandato ay ang ipagtanggol ang gobyerno.

“For delicadeza dapat na rin sigurong magbitiw na sya sa tungkulin,” ani Castro.

SM food to go Banner Ad

Umaasa naman si Kabataan Rep. Sara Elago na matutuldukan na ng desisyon ng Korte Suprema ang isyu.

“Kabataan Partylist welcomes the unanimous decision of the Supreme Court… junking the electoral protest filed by former Sen. Bongbong Marcos against Vice President Leni Robredo – finally putting the issue to rest,” ani Elago.

Nagpasalamat rin si Elago kay Robredo dahil ginampanan umano nito ang kanyang tungkulin kahit pa mayroong gumugulo sa kanya.

“Kabataan Partylist continues to stand in solidarity with the Office of the Vice President as we fight for the rights and welfare of the youth, safe and quality education, and community learning spaces amid the pandemic. We commend the OVP for its ongoing relief and rehabilitation efforts in calamity-hit areas as well as its firm stand against extrajudicial killings, and for the protection and promotion of human rights,” dagdag pa ni Elago. (Billy Begas)’

Leave A Reply

Your email address will not be published.