Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec exec: Mga sektor sa party-list dapat linawin

0 88

Inirekomenda ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na linawin na lamang ang mga sektor na pasok sa kategorya na kailangan magkaroon ng representasyon o kinatawan sa Kongreso.

Kasunod ito ng nais mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin na lamang ang party-list system dahil nagagamit na umano ito ng mga mayayaman at mga rebeldeng komunista.

Para kay Commissioner George Garcia, kailangan ng batas para amiyendahan ang 1987 Constitution kung nais buwagin ang party-list system.

“`Yon pong pag-abolish po niyan ay sa aking palagay, kakailanganin po ng amendment ng ating Saligang Batas sapagkat `yan po ay mismo nakalagay sa 1987 Constitution,” sabi ni Garcia.

Ang mga sektor na kinikilala ng Saligang Batas ay mula sa labor, peasant, urban poor, indigenous cultural communities, women, youth, at iba pa na maaaring itakda ng batas maliban lamang ang religious sector.

Bagaman hirit ni Pangulong Duterte na buwagin ang party-list system, sinabi ni Garcia na batay sa kanyang karanasan bilang election lawyer, inirekomenda nito na linawin ang pagkilala sa mga sektor o grupo na kailangang magkaroon ng kinatawan sa Kongreso.

“Dapat po i-define na natin, ilista na natin, ano ba talaga ang iba’t ibang sektor na meron tayo. Halimbawa, nag-define tayo ng sampung sektor. Sa sampung sektor na `yon, ilan ang allocated seats? Sabihin natin 63. Dapat mag-determine ang Kongreso siguro ilan ang ia-allocate natin sa kababaihan, ilan ang ia-allocate natin sa representatives natin sa mga magsasaka,” ayon kay Garcia. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.