Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec, IATF pinoporma botohan sa 2022

0 94

Pinaplantsa na ng Commission on Elections (Comelec) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga guideline para sa pagboto sa Mayo 2022.

Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na bumubuo sila ng mga guideline kung paano ang proseso ng pagboto sa panahon ng pandemya na may koordinasyon sa IATF.

“The guidelines are expected to be released by October 1, 2021,” pahayag ni Guanzon sa kanyang Facebook post.

Samantala, inabisuhan ng Comelec ang mga kandidato na kailangan personal silang maghain ng certificate of candidacy (COC) o sa pamamagitan ng authorized representative na may kasamang sinumpaan at nilagdaang Authority to File COC batay sa Resolution No. 10717 na inisyu ng komisyon noong Agosto 18.

Nabatid na maaari nang maghain ng COC simula Oktubre 1 hanggang 18. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.