Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec inawat P15M bayad sa debate contractor

0 105

Pinigilan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbabayad ng P15 milyong halaga para sa debate contractor nitong Impact Hub Manila habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa kontrobersiyal na kasunduan.

“In fairness to the office of chairman Saidamen Pangarungan, naka-hold po `iyon,” sabi ni Commissioner Rey Bulay sa isang press conference kahapon.

Hindi naman niya alam ang dahilan ng hold order ni Pangarungan.

Sinabi pa ni Bulay na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Comelec kaugnay sa transaksiyong pinasok sa Impact Hub para sa debate ng mga kandidato sa eleksiyon ngayong Mayo 9, 2022.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nauna rito, naglabas ng memorandum na sulat ni Bulay noong nagdaang Biyernes kung saan kinuwestiyo nito ang basehan ng purchase request nina Comelec Director James Jimenez at Frances Arabe na nagkakahalaga ng P15.3 milyon para sa Impact Hub.

Sinabi pa ni Bulay na ang purchase request na P15 milyon ay inaprubahan nina Pangarungan at Commissioner Socorro Inting.

Pero sinabi ni Bulay an ang purchase request ay na-hold kahit pa bago lumabas ang problemang pinansyal ng Impact Hub sa Sofitel Philippine Plaza na pinagdausan ng debate.

Matatandaang ibinunyag ng Sofitel na hindi pa bayad sa kanila ang Impact Hub at tumalbog umano ang mga tseke nito. Dito nag-ugat ang pagkansela sa nakatakda sanang presidential debate noong nakaraang linggo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.