Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec kinakalkal viral video sa Cavite

0 127

Nag-iimbestiga ang Commission on Elections (Comelec) sa isang viral video kung saan ipinakita ang ilang dokumento na ginamit noong halalan na natagpuan sa isang bakanteng lote sa Amadeo, Cavite.

Ayon kay acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, kanila na itong ipinarating para sa kaukulang aksyon ng mga regional election director sa Region 4-A o Calabarzon at sa National Capital Region gayundin sa provincial election supervisor ng Cavite at sa Packing and Shipping Committee ng poll body.

Sa ngayon aniya, iniimbestigahan pa ang insidente.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang viral video ay pinost ng netizen na si Rodne Rodiño Galicha.

Bukod sa video, nagdagdag pa ng ilang larawan ang netizen para ipakita ang ilang dokumento katulad ng mga ginamit na balota, resibo at iba pang election documents na tinambak lang sa isang bakanteng lote.

“These were forwarded to me by a friend, was taken in a vacant lot sa Amadeo, Cavite. Eventually, allegedly F2 logistics truck picked these up that day, too. It looks like these are from Tondo. We’re verifying the exact date of the footage and photos. COMELEC, please investigate. The truck body number is indicated in one of the photos,” sabi ni Galicha sa caption ng kanyang post. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.