Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec kinalampag sa karapatang bumoto

0 46

Umapela si House Speaker Lord Allan Velasco sa Commission on Elections (Comelec) para gawin ang lahat ng magagawa nito upang masigurong makaboto ang bawat kuwalipikadong Pilipino sa May 2022 elections.

Ito’y matapos na aprubahan ng House committee on suffrage ang panukala para palawigin ng isang buwan ang voter registration mula sa itinakdang deadline nito sa Setyembre 30, 2021.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Velasco, dahil sa pandemya nasuspendi ang voter registration kung kaya’t maraming nawalang araw at tama lamang na punan ito sa pamamagitan ng pagpapalawig nito.

“Let’s give to registrants the time lost when they weren’t able to register. At least give them an additional month so that they could participate in the coming national elections,” dagdag ni Velasco. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.