Abante Tonite Interactive

Comelec kinapos pa rin sa preparasyon?

0 199

Mukhang napikon na ang Commission on Elections (Come­lec) sa inaabot na batikos dahil sa mga pumalpak na kagami­tan nila sa eleksyon.

Ayon kay Director James Jimenez, spokesman ng Come­lec, haharap sa komisyon ang mga supplier pagkatapos nilang maiproklama ang mga nanalo sa senatorial election.

Ang supplier ng mga vote counting machine ay ang S-1, subsidiary ng isang malaking kompanya samantalang ang Gemalto na isang Ita­lian company naman ang para sa VRVM o Voters Registration Verification Machine.

Abante Hiring – IT dep

Maliban pa ito sa mga pumalyang SD card na umabot sa mahigit 1,000 at palpak na marking pens.

Mga dayuhang kompanya pala ang nasa likod ng kapalpakan sa eleksiyon.

Wish ko lang ay mapanagot nila ang mga kinontrata nilang mga kompanya na naghatid ng matinding perwisyo sa mga botanteng Pinoy.

Related Posts

Ang hindi ko lang kayang lunukin sa mga kapalpakang nangyari sa ating halalan ay ang tila kawalan ng sapat na preparasyon ng Comelec.

Napakahaba ng kanilang oras para tiyaking maayos at suwabe ang ating halalan pero bakit sangkatutak pa ang hinaing ng ating mga kababayan?
Huwag niyo namang isisi lagi sa supplier ang kapalpakan dahil nariyan kayo para sumuri sa maayos na kalidad ng mga kagamitan sa halalan.

Ano pa ang silbi nyo sa mga panahong­ wala namang idinadaos na eleksyon?

Sana ay ginamit nyo ang mga panahong hindi kayo puno ng trabaho sa pagbusisi sa mga kakailanganin sa hala­lan, hindi iyong kung kailan kaila­ngan ay saka lamang kayo gagalaw.

Alam naming abala kayo sa nangya­ring halalan pero hindi dapat kayo nagkandarapa sa pag-aayos sa mga salto kung sinuri ‘nyong lahat ang gagamitin sa halalan.

Napakasuwerte ‘nyo nga dahil nariyan ang ating mga guro na talaga namang halos wala ng kain at tulog para lamang tumupad sa kanilang tungkulin na mapaboto at mabilang ang ating boto.

Nawa’y matuto na tayo sa sandamakmak na aberyang hinaharap natin tuwing halalan.