Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec mag-ingat sa supplier

0 212

Dapat ay mag-ingat ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kompanyang magsisilbing supplier sa pagdaraos ng eleksiyon sa bansa sa susunod na taon.

Nakabantay ang grupong Filipino Alliance for Transparency and Empowerment (FATE) sa mga ahensiya ng gobyerno hinggil sa mga pinapasok na kontrata upang magsilbing taga bantay sa pondo ng bayan.

Ayon nga sa spokesman ng FATE na si Jo Perez na aking na-interview sa aking radio program sa DZXL 558 kHz tinangkang pumasok sa Comelec ng kontratistang may mahinang kalidad ng indelible ink na panlaban pa naman sa mga flying voters sa eleksiyon.

Nagdaos kasi ng online bidding ang Comelec noong August 17,2021 ang Bids and Awards committee sa tulong ng Microsoft teams hinggil sa gagamiting indelible ink sa eleksiyon 2022 sa bansa.

Anim na kompanya ang lumahok sa bidding kabilang ang Ideal marketing , T and E Enterprises, ASA Color , Arik General Merchandising , Topbest Printing at MCX International.

Nabatid na agad nadiskuwalipika sa bidding ang Ideal marketing at Arik General merchandising dahil sa isyung teknikal habang ang ASA color , T and E Enterprises, Topbest Printing at MCX international ay pinagbigyan na magprisinta ng sampol ng kanilang indelible ink sa mga susunod na araw.

Related Posts

Dahil dito ay nanawagan ang FATE na maging maingat ang Comelec makaraang makatanggap ng impormasyon na dalawa sa bidder na pinayagang magprisinta ng kanilang ink ay may kaduda dudang kredebilidad dahil sa kuwestiyunableng dokumentong kanilang isinumite.

Ang T and E ay nagsumite ng dokumento na nagkaroon daw sila ng single largest contract na magkakahalaga sa P19.5 Million pero nagprisinta ito ng sales invoice na non vat.

Ayon sa FATE , kung non VAT company ito ay hindi dapat lalampas sa P3 million ang kanilang gross receipts na nakabatay sa BIR rule o revenue regulation 16-2005.

Nagpakita rin ng mayors permit na may gross receipt na zero ngunit may kinita sila na P10 million sa kanilang audited financial report.

Ang MCX International ay pinagdududahan din ng FATE na motorsiklo naman ang pangunahing negosyo pero nais makuha ang kontrata sa Comelec para magsuplay ng indelible ink.

Dahil dito dapat ay maging mabusisi ang Comelec sa mga papasok na kontratista sa kanila upang matiyak na walang mangyayaring eskandalo sa pagdaraos ng eleksiyon sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.