Abante Tonite Interactive

Comelec may abiso sa mga botante

By
63

Tali ang kamay ng Commission on Elections (COMELEC) upang pigilan at parusan ang mga kandidatong maagang nangangampanya.

Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez, batay sa desis­yon ng Korte Suprema ay hindi pa maaring kasuhan ang mga kandidatong maagang nangangampanya .

Sinabi ng Korte Suprema na hindi pa sakop ng batas sa eleksyon ang mga kandidato kung hindi pa raw pormal na nagsisimula ang campaign period.

Kaya naman pala ang mga kandidato lalo na sa pagka-senador ay todo na sa maagang pangangampanya dahil lusot sila sa batas.

Dahil dito, ang payo nga ni Jimenez ay ang mga botante na ang may kapangyarihan upang parusahan ang mga nangangampanya ng maaga.

Related Posts

Isa sa mga pangunahing kandidato na maagang nangampan­ya ay si dating special assistant to the President (SAP) Bong Go.

Si Bong Go ay maagang nagparamdam sa mga botante kahit hindi pa ito naghahain ng kanyang kandidatura.

Halos lahat ng ospital, airport, mga kalsada at gusali ay nilagyan ng tarpaulin ng mukha ni Bong Go.

Sa kabutihang palad kahit pa maagang na­ngangampanya si Bong Go ay hindi naman pinapansin ng mga botante at batay sa mga resulta ng survey ay malabo itong manalong Senador kung ngayon na ang eleksyon.

Sana naman ay sundin ng mga botante ang payong ito ng spokesman ng COMELEC na wag iboto ang mga epal na kandidato upang magsilbing leksyon sa lahat ng mga kandidato na hindi sumunod sa takdang campaign period.