Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec: Mga botante sa 2022 lampas 65M

0 24

Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na aabot sa 65.5 milyon ang mga botante para sa May 9, 2022 elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, sa kabuuang panahon ng pagpaparehistro ay 8,147,080 ang nadagdag sa bilang ng mga boboto.

“As of today, the projected number of voters for 2022 stands at 65.5 million. Throughout the entire registration process, we added to the list of voters a total of 8,147,080,” pahayag ni Jimenez kahapon.

Sa bilang ng mga bagong botante, kalahati nito ang mga edad 18 hanggang 21.

Noong 2016 presidential elections, mahigit 55 milyon ang rehistradong botante at lampas 43 milyon ang bumoto. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.