Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec nangalampag sa parehistro

0 175

Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na magparehistro dahil napakababa ang bilang sa inaasahan nilang target na apat na milyong bagong botante para sa susunod na halalan.

Sa tweet ni Commissioner Rowena Guanzon, sinabi nito na mula Enero 14, mayroon lamang silang naitala na 1,117,528 na mga aplikanteng botante.

Una nang ipinagpatuloy ng komisyon ang pagpaparehistro ng mga botante noong Enero 4.

Nagsisimula ito ng alas-otso ng umaga at natatapos ng alas-tres ng hapon, mula lunes hanggang Huwebes. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.