Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec niluwagan kampanya sa hirit ni Duterte

0 205

Sang-ayon ang Commission on Elections (Comelec) sa in person o face-to face campaign ng mga kandidato sa halalan sa susunod na taon.

Ito ang naging reaksiyon ni Comelec spokesman James Jimenez sa hininging ‘space’ ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pangangampaniya ng mga kandidato.

Payag naman aniya ang kamisyon sa face-to-face campaign.

Sinabi ni Jimenez na magtatakda lamang sila ng mga alintuntunin para sa physical campaign, tulad ng limitadong bilang ng mga makakasama sa campaign rally, na nakadepende rin sa umiiral na alert level sa lugar.

Paliwanag ni Jimenez, na kapag mahigpit ang alert level sa isang lugar ay mas kaunti ang puwedeng dumalo sa mga campaign rally.

Sa kanyang `Talk to the People’ Martes ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte dapat payagan ang mga nakagawiang paraan ng pangangampanya kung saan personal na nakakaharap ng mga kandidato ang mga tao.

Hindi aniya sapat na nasa malayong puwesto ang isang kandidato at magsisigaw sa paglalahad ng kanyang plataporma.

“I’d like to remind the Comelec that you must give the candidates really the space and the – whatever modalities there. Because there can never be an election without a campaign and other people cannot also afford,” wika ng Pangulo.

Ilang kandidato aniya ang hindi kayang gumastos para magkaroon ng campaign ad sa telebisyon. (Mina Navarro/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.