Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec pinahaba oras ng parehistro

0 134

Bukod sa pinalawig na voter registration, pinahaba rin ng Commission on Elections (Comelec) ng hanggang alas-siyete ng gabi ang oras ng pagpapalista sa National Capital Region (NCR) at sa ilan pang piling lugar sa bansa mula Lunes hanggang Biyernes.

Magbubukas na rin ang mga piling tanggapan ng Comelec tuwing Sabado, na hanggang alas-singko ng hapon lamang para makahabol ang iba pang nais parehistro.

Ang naturang panuntunan ay paiiralin sa mga Comelec office sa NCR at maging sa Alcala at San Quintin sa Pangasinan; Tarlac City, Capas, at Concepcion sa Tarlac; buong Quezon; Labo sa Camarines Norte; Castilla sa Sorsogon; at Cebu City, Mandaue at Lapu-Lapu sa lalawigan ng Cebu.

Magkakaroon din ng parehistro ng Sabado ngunit hanggang alas-singko ng hapon lang bukas kada weekdays ang mga Comelec office sa Anda, Sto. Tomas at Sual sa Pangasinan; Aringay, Balaoan at Caba sa La Union; buong Ilocos Sur; at Balatan, Bula. Cabusao, Goa, Lagonoy, Libmanan, Magarao, Minabalac, Ragay, Sagnay, San Fernando, San Jose, Tigaon at Tinambac sa Camarines Sur.

“The rest of the country will follow the registration days and hours of Mondays to Fridays, 8:00 A.M. to 5:00 P.M. However, registration will be conducted on the last day, October 30, 2021, which is a Saturday,” pahayag ng Comelec.

Hanggang Oktubre 30 lamang ang voter registration. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.