Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec pinarerendahan sa mga exit poll

0 193

Hinikayat ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang Commission on Elections (COMELEC) na maglatag ng mga panuntunan sa gagawing exit polls ng mga survey firm para sa hala­lan sa susunod na taon, sa likod ng planong pahabain ang oras ng pagboto sa mismong araw ng eleksiyon dahil sa banta ng pandemya.

Nagbabala si Tolentino na puwedeng mauwi sa tinatawag na ‘bandwagon effect’ ang maagang paglalabas ng resulta ng exit polls sa media at posibleng makaapekto sa desisyon ng mga botante kung sino ang kanilang iboboto.

SM food to go Banner Ad

“Increasing the voting hours would likewise (will) enable the trending in exit polling—as part of the exercise,” sabi ni Tolentino sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation.

Ginawa ni Tolentino ang pahayag matapos banggitin ng Department of Health (DOH) na maaaring mas pahabain ang oras ng pagboto sa Mayo 9, 2022 dahil sa mga minimum health standards sa kasalukuyan na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.