Abante Tonite Interactive

Comelec sa mga botante: Gumawa ng kodigo sa eleksyon

327

Hinimok kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na gumawa ng sariling kodigo para gamiting gabay sa kanilang pagboto sa Mayo 13.

Ayon kay Comelec commissioner Luie Guia, layon nito na tulungan ang mga botante na matandaan ang mga kandidatong kanilang ihahalal sa iba’t ibang posisyon.

Sa ganitong paraan ay mapapabilis aniya ang oras ng pagboto ng isang botante.

Idinagdag ni Guia na ngayon pa lang ay alam na dapat ng mga botante ang mga iboboto nilang kandidato dahil sa haba ng panahon ng kampanya.

Nagsimula ang campaign period para sa mga kandidato sa national position noong Pebrero samantalang umarangkada naman ang kampanya para sa mga local candidate noong Marso. (Mia Billones)