Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec sinisilip atake ng hacker

0 161

Inaalam na ng Commission on Elections (Comelec) ang napaulat na pag-atake ng hacker sa kanilang server.

Bagama’t hindi kinumpirma ni Comelec spokesperson James Jimenez ang sinasabing atake base sa ulat ng Manila Bulletin ay iginiit nitong sinisilip na nila ang alegasyon.

“Currently conducting inquiries into the allegations of the report. We will update ASAP,” pahayag ni Jimenez kahapon.

Base sa ulat ng nasabing pahayagan, nakuha umano ang ilang impormasyon ng mga botante matapos na ma-hack ang Comelec server nitong Enero 8.

SM food to go Banner Ad

Higit 60 gigabytes ng mga datos umano ang na-download ng hacker, ayon sa Manila Bulletin Technews.

“The other downloaded files were network diagrams, IP addresses, list of all privileged users, domain admin credentials, list of all passwords and domain policies, access to the ballot handling dashboard, and QR code captures of the bureau of canvassers with login and password,” pahayag ng MBTechnews.

Kabilang rin umano sa mga nakuhang impormasyon ay ang mga username at PIN ng vote-counting machine. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.