Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Comelec sisilipin 900 palyadong VCM

0 36

Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang imbestigasyon kaugnay sa 900 vote counting machine (VCM) na hindi nagamit sa katatapos lang na halalan dahil sa mga aberya ng makina.

Ayon kay Commissioner George Garcia, magkikita ngayong Sabado ang Steering Committee na pamumunuan ni Commissioner Marlon Casquejo kasama ang Advisory Council ng poll body at ang Project Management Office para pag-usapan ang naturang isyu ng mga palyadong VCM.

SM food to go Banner Ad

Isasagawa ang pulong bilang tugon aniya sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan kung bakit hindi gumana ang nasa 900 VCM noong halalan

“In view of the call of the President to investigate the defective VCMs during the election last Monday, Commissioner Casquejo, the head of the steering committee, will convene tomorrow (May 14), the CAC and the PMO to get to the bottom of this issue,” ayon kay Garcia.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.